Para pumirma, i-click ito at pangalanan ang file na <username>.yaml
(palitan ang <username>
sa iyong pangalan) na naglalaman ng:
name: <pangalan mo (opsyonal na organisasyon o kumpanya)>
link: <kawing sa iyong profile o pook>
Hindi kasama ang <>
.
Halimbawa:
name: Halimbawang pangalan (Mabuting kumpanya)
link: https://github.com/halimbawang_username
Huwag gamitin ang <>
sa file na ito, pati na rin ang mga simbolong hindi kasama sa ascii para sa pangalan ng file.
Kung ginagamit mo ang iyong e-liham bilang kawing, lagyan mo ng mailto:
sa simula.
Kung puwede, gamitin mo ang tunay mong pangalan at ilagay mo ang mga proyekto at naka-anib na organisasyon sa saklong.
Tapos i-click ang "Propose new file" at sundin ang kailangang gawin para gumawa ng merge request.
Panatilihin nating matatag ang tono, pero propesyunal.
Kung kaya mo, i-kunsidera mo ang pamamahagi ng liham na ito sa iyong mga forum at social media, at ipabatid sa mga manunulat na makakatulong sa ating pinaglalaban.
Pinagsasama-sama ang mga pull request sa loob ng 12 oras - dahil sa dami sila'y ipagsasama-sama sa mga magkakasamang pangkat.
Puwede rin i-fork at clone ang repo. Gumawa ng file na _data/signed/<username>.yaml
nang manu-mano, tapos i-commit at mag-submit ng PR.
Kung gusto mong suportahan ang liham nang hindi ginagamit ang Github, puntahan ito: https://codeberg.org/rms-support-letter/rms-support-letter/issues/1, o magpadala ng nakapirmang tapal sa signrms@prog.cf o ~tyil/rms-support@lists.sr.ht.
Kung kailangan mo pa rin ng tulong sa pamamagitan ng biswal na tagubilin, may bidyo para rito.
Lahat ng mga pirma ay ipoproceso sa loob ng 12 oras - dahil sa napalaking bilang ng mga PR
- Matrix: +free-rms:matrix.org
- IRC: #free-rms sa freenode
- Discord: https://discord.gg/7FWkxG4CsU
- Telegram: https://t.me/free_rms
Ang kodigo sa imbakan na ito ay nakalisensya lamang sa GPL-3.0.
Ang mga larawan sa assets
folder ay nakalisensiya sa ilalim ng CC BY-SA 3.0. Ang mga larawang preview para sa social media ay nakabatay sa https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Richard_Matthew_Stallman.jpeg, na nasa ilalim ng CC BY-SA 3.0. Orihinal itong inilathala bilang pabalat larawan ng libro ni O'Reilly na Free as in Freedom: Richard Stallman's Crusade for Free Software by Sam Williams
, noong Marso 1, 2002 sa ilalim ng GFDL.
Walang kopirayt ang mga pirma.